Wednesday, April 10, 2013

Wansapanataym


Noong nang panahon, may isang babaeng hindi marunong mag-bike pero pinag-bike siya ng dalawa niyang evil stepsisters papunta sa kabihasnan. 
Pagdating sa bayan, nataranta siya kung paano p-um-reno kaya ginamit niya ang isa niyang paa. Pero ayaw. Ayaw tumigil ng bike. Mag-i-inhale exhale pa sana siya pero wala nang oras. 
Sa puntong iyon, inilabas niya ang isa pa niyang asset - her other foot. Itinukod niya ang mga paa niya sa semento upang matigil na ang kalokohang iyon. Voila! Parang may fairy Godmother na tumulong sa kanya dahil sa wakas ay p-um-reno ang bisekleta/sidecar(di niya alam ang tamang tawag).
Naayos ang gusot pero nagusutan ang maayos. Naipit kasi siya sa pedal habang pinipigilang dumausdos ang sasakyang may dalawang gulong. Tuloy, nagasgasan ang hairy legs niya. Di kasi niya alam na may pindutan pala ang preno. Sorry siya. Dagdag pang walang Prince Charming na dumating.

Ngunit `di siya sumuko.
Sumubok siya ulit at alam na niya. Haha.
And she lived happily ever after.


------------

Another challenge accomplished. Nadagdagan na naman ang admirers edad (Asa pa sa admirers)

Ganun talaga. Kailangang mabigo bago matuto. Pero sa totoong mundo, walang evil stepsisters. Best friends, meron. 


Pearl

Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.

Si Pearl's bookshelf: read

My Life Next Door
The Nightmare Affair
Divergent
The Perks of Being a Wallflower
Delirium
Insurgent
Pretty Little Liars
Catching Fire
The Ghost and the Goth
You're The One That I Don't Want
Shopaholic and Sister
Pandemonium
The Fault in Our Stars
Anna and the French Kiss
Breathe
While It Lasts
The Lightning Thief
The Sea of Monsters
The Last Olympian
The Titan's Curse


Si Pearl's favorite books »
Powered by Blogger.