Wednesday, April 10, 2013

Wansapanataym


Noong nang panahon, may isang babaeng hindi marunong mag-bike pero pinag-bike siya ng dalawa niyang evil stepsisters papunta sa kabihasnan. 
Pagdating sa bayan, nataranta siya kung paano p-um-reno kaya ginamit niya ang isa niyang paa. Pero ayaw. Ayaw tumigil ng bike. Mag-i-inhale exhale pa sana siya pero wala nang oras. 
Sa puntong iyon, inilabas niya ang isa pa niyang asset - her other foot. Itinukod niya ang mga paa niya sa semento upang matigil na ang kalokohang iyon. Voila! Parang may fairy Godmother na tumulong sa kanya dahil sa wakas ay p-um-reno ang bisekleta/sidecar(di niya alam ang tamang tawag).
Naayos ang gusot pero nagusutan ang maayos. Naipit kasi siya sa pedal habang pinipigilang dumausdos ang sasakyang may dalawang gulong. Tuloy, nagasgasan ang hairy legs niya. Di kasi niya alam na may pindutan pala ang preno. Sorry siya. Dagdag pang walang Prince Charming na dumating.

Ngunit `di siya sumuko.
Sumubok siya ulit at alam na niya. Haha.
And she lived happily ever after.


------------

Another challenge accomplished. Nadagdagan na naman ang admirers edad (Asa pa sa admirers)

Ganun talaga. Kailangang mabigo bago matuto. Pero sa totoong mundo, walang evil stepsisters. Best friends, meron. 


Friday, March 29, 2013

Bothersome


Biglang na-bother ako sa sagot ko dun sa Psych Test na ginawa sa`min. 

"Binaboy nila kami!" Arte lang.


Q: What is your secret ambition?

My Answer: Dramatic Actress. (Walang To be a/ To become a)



Argh! Ang drama ng sagot ko! Ang boring pa. At hindi siya talagang secret!


Yung totoo kasi, pangarap ko talagang maging Secret Agent/ Spy. Just saying.

Pero malamya akong kumilos. Again, just saying.




P.S.
Sabay nating abangan kung ano'ng sunod kong pangarap.
Friday, February 22, 2013

After kong mapanood yung Life of Pi, nakalimutan kong na-astigan ako sa Upside Down.  

Ngayon ko lang nalaman na based pala yun sa libro. What have I been doing with my life?! 

Mas preferred ko `yong version na pinakita sa movie kahit na parang hindi naman yun yung totoong nangyari? Ewan. Pero yun yung pinaniniwalaan ko. Pero ang pinakapinaniniwalaan ko talaga, nand'yan lang si God para sa atin. Hindi Niya tayo iiwan, hindi Niya tayo pababayaan.

Ilang beses din akong naiyak(emotera `pag mag-isa?) dahil ni-reflect ko yung mga nagawa ko, naisip ko si God at yung mga mahal ko sa buhay. 

Isa sa mga eksenang iniyakan ko? `Yong pinukpok `yong isda, naghingalo at namatay.
Monday, February 11, 2013

Magulo Akong Kausap


Ako: May off po ba dun? (Di maalala ang tamang term)

Ateng Guard: Off?

Ako: May off po ba `pag sa warehouse bumili?

Ateng Guard: Ah, meron. May discount.

Ako: (Sorry naman. 15% off kasi naiisip ko)

-------


Sunday, December 16, 2012

Ako Ba O Siya, Siya Ba O Ako?


Ako: Gusto mo pa bang mag-swimming?
Siya: Ikaw ba?
Ako: Baka ikaw ayaw mo na...
Siya: Kung ano'ng gusto mo, dun ako.



................



Ako: Uy baka gusto mo nang umahon ha.
Siya: Hindi pa naman. Ikaw?
Ako: Hindi pa rin. Pero baka ikaw...
Siya: Hindi. Ikaw, kung ano lang sa`yo. 

Ako: Ikaw bahala.


...............


Ako: Nag-eenjoy ka pa ba?

Siya: Oo. Nag-eenjoy.
Ako: Ako rin, nag-eenjoy.

...............


Pero siya talaga si Hirosyi. Para siyang ako. Haha.
Ang dami kong tanong tungkol sa paglangoy, ang dami niyang kwento.

Spirited Away



A superb movie! As in, asin.

Kung bakit naman kasi ngayong month ko lang `to napanood. :'(

Pero nagda-download na `ko ng mga Studio Ghibli Animation films.
Tuesday, December 11, 2012

Kame Hame What?


Conversation namin ng kaibigan ko sa loob ng classroom, 5 years ago...

Tagalized version.

Ako: Nagustuhan ko biglang manood ng Dragon ball Z. Dati kasi, ayoko do'n.  Biglang nag-Kame... hame... win! *with hand movements.
Precious: Kame hame, ano?
Ako:  Kame hame win.
Precious: Hahaha.
Ako: Hindi yun kame hame win?
Precious: Hindi. Hahaha.
Ako: Ah, Kame... hame... wing?
Precious: Ha?
Ako: Kame hame wing!
Precious: Wahaha. Dili uy! Hindi, ah!
Ako: Kame hame wing with S? Kame hame wingS?
Precious: HAHAHA. Pag sure!
Ako: Unsa man diay? Eh ano ba?
Precious: Kame hame WAVE! Hahaha!
Ako: Hahahahahahahahahahahahahaha! Aw. Ah, okay.




Pakapin Sulti. G-in-oogle ko. Kamehameha pala yun? Ang Ha ba means wave? 

Power of ctrl+c and ctrl+v, enter!

 Sabi sa Wiki. answers

- I can't give a definite answer, but I do know that かめ(kame) is Japanese for "turtle". According to Google Translate, かめはめは(kamehameha) means "turtle is fit". Somehow, I can't imagine Goku saying that when attacking his enemies...

Well I can give a definite answer. Kame is, as he said, turtle. But the rest of the phrase, the "hameha" part means destruction wave. So in the end kamehameha means turtle destruction wave, and that IS something I can see goku saying when attacking his enemies.

DragonBall Z is a Japanese show, and the person asking is requesting what it means in the context of the show. Turtle Destruction Wave is the correct interpretation of this. Master Roshi was known as the Turtle Hermit, so its fitting that he would name his blast 'Turtle' anything. Also, the kanji for turtle (kame) is 亀, which is present on the back of Goku's gi through the first part of the series until it is replaced with the kanji for 'heaven'(天). This may seem a random bit of info, but its still relevant to identifying that turtle is realistic reading of the word in any way. 'Ha' is also a way to say wave. I haven't heard many ways to say destruction, but 'hame' can be read as supremacy, giving the word a possible reading of 'Turtle Supremacy Wave.'



Ah, okay. Thanks. 
;)



Pearl

Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.

Si Pearl's bookshelf: read

My Life Next Door
The Nightmare Affair
Divergent
The Perks of Being a Wallflower
Delirium
Insurgent
Pretty Little Liars
Catching Fire
The Ghost and the Goth
You're The One That I Don't Want
Shopaholic and Sister
Pandemonium
The Fault in Our Stars
Anna and the French Kiss
Breathe
While It Lasts
The Lightning Thief
The Sea of Monsters
The Last Olympian
The Titan's Curse


Si Pearl's favorite books »
Powered by Blogger.