Saturday, September 29, 2012

Sabi ni mama nagtatago daw ako `pag nakakakita ng lalaki.




hahaha.










hahaha.












hahaha, ulit. 










Hindi kaya. 












Medyo lang.



Saturday, July 14, 2012

Kumilos ka na! (entry ko repost ko) Kasi ang cute ng mga .gifs


 Ano'ng pangarap mo? Wala? K.


 Marami? K.

 Alam mo kasi, maiksi lang ang buhay.  Kaya naman . . .




 
Umibig ka. 







Tumawa ka.






 

  Lumaban ka.








Mangarap ka. 





 At `pag may pangarap ka, 



  kumilos ka.






Kung sumubok ka man at nabigo, 











ayos lang umiyak. 






 
                                       Ayos lang magwala.    





 
 Ayos lang malungkot. 






 Ayos lang magmukmok.







 
Pero huwag sumuko. 





 
Normal lang ang madapa ngunit bumangon ka.









 
H'wag kang magpatalo.



 

Kumilos ka ulit.






 
 Magtiwala ka sa sarili mo kung walang ibang nagtitiwala sa'yo. 





Haters? 
Hindi nawawala ang mga iyon. 
H'wag silang pansinin. 







Maging cool ka lang. 
                                           








 
Gawin mo lahat ng makakaya mo.






Tandaang walang imposible sa taong may tamang diskarte.





Iwasang maging tamad. 






 
Iwasang maging nega. 






 
               Dahil anumang hirap ng laban, kung may sipag at tiyaga ka, ikaw ang magwawagi sa huli.






                                                                              Hala kilos na!           





Monday, June 25, 2012

Ala-Ala ng Nakaraan


Ang drama lang ng title.



Noong third year high school student pa lang ako, naging best actress ako ng klase namin. Well, wala naman talagang plaque (Dental plaque meron. LOL). Tinawag lang nila akong best actress dahil ang galing ko daw umarte.

Apat kami sa grupo. At dahil ako ang wallflower(self-proclaimed) ng klase( III-Sampaguita), baliw ang in-assign nilang character ko. Ang mga `yon! Palibhasa mga good conversationalist. Wala akong nagawa. edi baliw kung baliw.

So dumating nga yung araw ng pagtutuos. Naunang umarte ang tatlo. Naghintay lang ako sa tabi kasi iyon ang nakasulat sa script este utak namin. Walang script-script!

Then pumasok na `ko sa eksena.

Naliligaw daw yata ako at may itinatanong sila. Ewan, di ko na maalala. Basta yun na. Nilakasan ko ang boses ko at sumigaw ako. Nagwala ako. Natahimik ang lahat ng mga kaklase ko. Binigyan ako ng judge ng isa sa mga kagrupo ko para daw huminahon ako. So, kinain ko ang judge.  Hindi tao, ah?
Kumain ako ng JUDGE chewing gum while acting. Nagpaka-praning ako, nag-emote at nagmonologue sa harap. 

Pagkatapos ng drama namin pinalakpakan kami ng mga tao, lalo na ako.
Ang galing ko daw. Bakit ko daw tinatago ang talent ko. Tahimik daw ako pero matinik. Best actress daw ako.

Deep inside I was like, 'duh'! 
Hehe, arte lang. So simula noon, pinangarap kong maging artista. And take note, sa Hollywood. HAHA. (PERO nung gumawa kami ng recent acting video, napansin kong ang PANGIT kong umarte. Hindi kaya pinagtrip-an lang ako ng mga classmates ko dati?!)

Uulitin ko. Ang pangit kong umarte. Nakakaiyak.

Kami nung kaibigan kong si Precious, pinangarap naming sumikat sa hollywood. Mga ambisyosa talaga. Hayun, madalas kaming manood ng hollywood movies, mostly about teenagers. [Bring It On (at iba pang sequels nito), A Cinderella Story, Sydney White and the seven Dorks, She's the Man, et cetera.]

Noong taon ding `yon, nahilig ako sa pagbabasa ng mga magazines na may kinalaman sa hollywood actors and actresses. So, pinangarap kong maging columnist or editor-in-chief- ng isang magazine about teenage hollywood celebs dati. :/


Third year pa rin ako.
May binasang kuwento yung Filipino teacher namin. Yung babaeng character sa huli, nagsuka. So sabi ni teacher dugtungan daw namin iyong kuwento.
Namili ng limang papel na babasahin sa harap. Napili yung akin. Nagpalakpakan yung mga kaklase ko matapos mabasa yung sinulat ko. Ang alam ko kasing sinulat ng mga classmates ko, nagsuka iyong babae kasi buntis ito. Or nagsuka yung babae kasi may cancer ito, may leukemia, anumang sakit, iba pang ka-dramahan.



Yung akin, nagsuka `yong babae kasi nakakasuka ang lasa ng kinain niyang daing.  HAHAHA, ambabaw.

Simula nun, pinangarap ko nang maging writer. Romance writer, to be exact. Bow.

PS. Kumakain ako ng daing.
Tuesday, June 19, 2012

NOONG BATA PA KAMI


Noong nakaharang pa ang computer sa daanan...
Noong panahong hate na hate ko ang c++, visual basic, java at cisco...
Noong mga nene pa kaming tatlo. hihihi


Post ko na lang dito nang mapakinabangan naman `tong video. Malay natin `di ba? Puwedeng pampatulog `to.

Monday, June 4, 2012

Si Sir Jun. :)


Thursday, May 31, 2012

48 Years Ago, sa loob ng kuwarto nina Yashel sa ikalawang palapag ng bahay...




 Mga tauhan:
Yashel - Maputi, medyo chubby pero sexy ( pambawi, baka mabasa niya `to eh hihi) maganda, malakas ang sex appeal sa mga lalaki, maraming kuwento, maraming ex.
Gladys - Skinny, tago ang kagandahan at ayaw i-share sa madla ( kapag nabasa mo `to Bai, libre mo `ko :p ) Madalas walang reaction, laging kalmado, maraming talent.
Ako - Sakto lang.
Blessie - Kamukha ng mama at papa ni Yashel



Yashel the Bombshell: ( biglang nagtanong )Kung ang tagalog ng chair ay salumpuwit, ano  naman ang tawag sa wheelchair?

Gladys the Artist:( nakikinig pero hindi mo malaman kung interesado sa topic o hindi )

ako, si Pearl si Pearl lagi na lang si Pearl: ano?

Yashel the Bombshell: Salumpo. Eh kung panty?

Gladys the Artist: *nag-iisip?

ako: *nag-iisip. (May naisip pero hindi masabi)

Both: ano?

Yashel the Bombshell: Salungguhit! Eh kung brief?

ako at si Gladys: *nag-iisip.( seryoso ako sa pag-iisip, ewan ko lang kay Gladys na palaging kalmado at madalas walang reaction. XD )

Biglang sumingit sa usapan si Blessie, kapatid ni Yashel.

Blessie: Salongganisa!

Yashel the Bombshell: Epal naman neto! *tukoy kay Blessie

 -Nagtawanan lahat.

ako: *tumatawa rin. (di maka-get over sa naging topic kani-kanina) Ah, yun pala `yon. Isasagot ko sana kanina, "salongTALONG." ( Naisip rin kanina na ang tagalog ng panty ay "salongTAHONG" ) 

HAHAHA.Mga kalokohan talaga.


Friday, May 25, 2012

Bitter Ocampo


I didn't get in.
Naiinggit ako sa mga taong isang subok lang, nakukuha na nila ang gusto nila. Nakakabilib yung ganun eh.

Pero alam kong magiging okay na `ko bukas. Well, ganun talaga. Bitter Ocampo ako ngayon pero pramis, Ok Taecyeon na `ko bukas. 

Magsulat na lang daw ako ng nobela sabi ni Lord. he-he.


Pearl

Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.

Si Pearl's bookshelf: read

My Life Next Door
The Nightmare Affair
Divergent
The Perks of Being a Wallflower
Delirium
Insurgent
Pretty Little Liars
Catching Fire
The Ghost and the Goth
You're The One That I Don't Want
Shopaholic and Sister
Pandemonium
The Fault in Our Stars
Anna and the French Kiss
Breathe
While It Lasts
The Lightning Thief
The Sea of Monsters
The Last Olympian
The Titan's Curse


Si Pearl's favorite books »
Powered by Blogger.