Ang drama lang ng title.
Noong third year high school student pa lang ako, naging best actress ako ng klase namin. Well, wala naman talagang plaque (Dental plaque meron. LOL). Tinawag lang nila akong best actress dahil ang galing ko daw umarte.
Apat kami sa grupo. At dahil ako ang wallflower(self-proclaimed) ng klase( III-Sampaguita), baliw ang in-assign nilang character ko. Ang mga `yon! Palibhasa mga good conversationalist. Wala akong nagawa. edi baliw kung baliw.
So dumating nga yung araw ng pagtutuos. Naunang umarte ang tatlo. Naghintay lang ako sa tabi kasi iyon ang nakasulat sa script este utak namin. Walang script-script!
Then pumasok na `ko sa eksena.
Naliligaw daw yata ako at may itinatanong sila. Ewan, di ko na maalala. Basta yun na. Nilakasan ko ang boses ko at sumigaw ako. Nagwala ako. Natahimik ang lahat ng mga kaklase ko. Binigyan ako ng judge ng isa sa mga kagrupo ko para daw huminahon ako. So, kinain ko ang judge. Hindi tao, ah?
Kumain ako ng JUDGE chewing gum while acting. Nagpaka-praning ako, nag-emote at nagmonologue sa harap.
Pagkatapos ng drama namin pinalakpakan kami ng mga tao, lalo na ako.
Ang galing ko daw. Bakit ko daw tinatago ang talent ko. Tahimik daw ako pero matinik. Best actress daw ako.
Deep inside I was like, 'duh'!
Hehe, arte lang. So simula noon, pinangarap kong maging artista. And take note, sa Hollywood. HAHA. (PERO nung gumawa kami ng recent acting video, napansin kong ang PANGIT kong umarte. Hindi kaya pinagtrip-an lang ako ng mga classmates ko dati?!)
Uulitin ko. Ang pangit kong umarte. Nakakaiyak.
Kami nung kaibigan kong si Precious, pinangarap naming sumikat sa hollywood. Mga ambisyosa talaga. Hayun, madalas kaming manood ng hollywood movies, mostly about teenagers. [Bring It On (at iba pang sequels nito), A Cinderella Story, Sydney White and the seven Dorks, She's the Man, et cetera.]
Noong taon ding `yon, nahilig ako sa pagbabasa ng mga magazines na may kinalaman sa hollywood actors and actresses. So, pinangarap kong maging columnist or editor-in-chief- ng isang magazine about teenage hollywood celebs dati. :/
Third year pa rin ako.
May binasang kuwento yung Filipino teacher namin. Yung babaeng character sa huli, nagsuka. So sabi ni teacher dugtungan daw namin iyong kuwento.
Namili ng limang papel na babasahin sa harap. Napili yung akin. Nagpalakpakan yung mga kaklase ko matapos mabasa yung sinulat ko. Ang alam ko kasing sinulat ng mga classmates ko, nagsuka iyong babae kasi buntis ito. Or nagsuka yung babae kasi may cancer ito, may leukemia, anumang sakit, iba pang ka-dramahan.
Yung akin, nagsuka `yong babae kasi nakakasuka ang lasa ng kinain niyang daing. HAHAHA, ambabaw.
Simula nun, pinangarap ko nang maging writer. Romance writer, to be exact. Bow.
PS. Kumakain ako ng daing.
Tuesday, June 19, 2012
NOONG BATA PA KAMI
by
Unknown
Noong nakaharang pa ang computer sa daanan...
Noong panahong hate na hate ko ang c++, visual basic, java at cisco...
Noong mga nene pa kaming tatlo. hihihi
Post ko na lang dito nang mapakinabangan naman `tong video. Malay natin `di ba? Puwedeng pampatulog `to.
Noong panahong hate na hate ko ang c++, visual basic, java at cisco...
Noong mga nene pa kaming tatlo. hihihi
Post ko na lang dito nang mapakinabangan naman `tong video. Malay natin `di ba? Puwedeng pampatulog `to.
Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.