Wednesday, November 6, 2013

Pole dancing



Kung kelan hindi nagsusulat saka naman nagrereklamong ang hirap magsulat. 
Labo.



Makapagsayaw na nga lang. 





Sunday, May 26, 2013

Pigrolac (December, 2012)


 
Habang bata pa, sa kalsada magpaulan





Magtampisaw sa palanggana.

Friday, May 10, 2013

Nakita ko lang. Gusto ko lang sagutan. Seryoso na `yong mga sagot ko sa lagay na `yan.


how will you seriously answer someone in the following situations given? what if someone (a stranger) insults you and tells you this.
01. ang arte mo!
-Mukha mo.
02. mas matalino naman ako sayo!
-Okay lang.
03. crush ako ng crush mo?
-Mukha mo?
04. ang bobo mo pala sa math!
-May calculator kami. Eh ikaw alam mo ba kung ilan lahat ang members ng Shinhwa, Infinite, Shinee, MBLAQ, SNSD, Secret, Crayon Pop, Hello Venus, GLAM, F(x), AOA, Miss , Super Junior, SPICA, at A-Pink kung i-a-add?? Tapos `yong result minus mo sa bilang ng members ng girl groups na nasulat ko. Result ulit add mo sa members ng EXO.
05. bilisan mo naman!
-K.
06. ang sungit mo!
-Mas masungit ka kaya. huhu.
07. gusto mo ng away?
-Hindi.
08. takot ka ata sakin eh?
-Bakit, ipis ka ba?
09. mas mahal niya `ko!
-Okay lang ulit.
10. ang bababa naman ng mga grades mo!
-Mukha mo ulit.

what if sinabi ito sa’yo ng crush mo?
01. crush kita.
-Thanks. (Pakipot)
02. hindi kita mahal.
-Di kita type.
03. mahal na kita.
-O? (Kunwari wala lang)
04. pakopya naman ng assignment.
-Basta ilibre mo ako.
05. crush ko un friend mo
-O?
06. pwedeng patabi sa upuan?
-Basta ba ililibre mo ako.
07. pwede mo ba akong isayaw?
-Basta ba tuturuan mo akong sumayaw.
08. feeling ko may gusto ka sakin.
-Mukha mo. (Pero kinikilig deep inside)
09. ang cute mong mag-smile.
-Mukha mo. (Pero deep inside, kinikilig)
10. bakit ang bait mo sakin?
-Kasi nga ililibre mo ako mamaya.
Wednesday, April 10, 2013

Wansapanataym


Noong nang panahon, may isang babaeng hindi marunong mag-bike pero pinag-bike siya ng dalawa niyang evil stepsisters papunta sa kabihasnan. 
Pagdating sa bayan, nataranta siya kung paano p-um-reno kaya ginamit niya ang isa niyang paa. Pero ayaw. Ayaw tumigil ng bike. Mag-i-inhale exhale pa sana siya pero wala nang oras. 
Sa puntong iyon, inilabas niya ang isa pa niyang asset - her other foot. Itinukod niya ang mga paa niya sa semento upang matigil na ang kalokohang iyon. Voila! Parang may fairy Godmother na tumulong sa kanya dahil sa wakas ay p-um-reno ang bisekleta/sidecar(di niya alam ang tamang tawag).
Naayos ang gusot pero nagusutan ang maayos. Naipit kasi siya sa pedal habang pinipigilang dumausdos ang sasakyang may dalawang gulong. Tuloy, nagasgasan ang hairy legs niya. Di kasi niya alam na may pindutan pala ang preno. Sorry siya. Dagdag pang walang Prince Charming na dumating.

Ngunit `di siya sumuko.
Sumubok siya ulit at alam na niya. Haha.
And she lived happily ever after.


------------

Another challenge accomplished. Nadagdagan na naman ang admirers edad (Asa pa sa admirers)

Ganun talaga. Kailangang mabigo bago matuto. Pero sa totoong mundo, walang evil stepsisters. Best friends, meron. 


Friday, March 29, 2013

Bothersome


Biglang na-bother ako sa sagot ko dun sa Psych Test na ginawa sa`min. 

"Binaboy nila kami!" Arte lang.


Q: What is your secret ambition?

My Answer: Dramatic Actress. (Walang To be a/ To become a)



Argh! Ang drama ng sagot ko! Ang boring pa. At hindi siya talagang secret!


Yung totoo kasi, pangarap ko talagang maging Secret Agent/ Spy. Just saying.

Pero malamya akong kumilos. Again, just saying.




P.S.
Sabay nating abangan kung ano'ng sunod kong pangarap.
Friday, February 22, 2013

After kong mapanood yung Life of Pi, nakalimutan kong na-astigan ako sa Upside Down.  

Ngayon ko lang nalaman na based pala yun sa libro. What have I been doing with my life?

Mas preferred ko `yong version na pinakita sa movie kahit na parang hindi naman yun yung totoong nangyari? Ewan. Pero yun yung pinaniniwalaan ko. Pero ang pinakapinaniniwalaan ko talaga, nand'yan lang si God para sa atin. Hindi Niya tayo iiwan, hindi Niya tayo pababayaan.

Ilang beses din akong naiyak(emotera `pag mag-isa?) dahil ni-reflect ko yung mga nagawa ko, naisip ko si God at yung mga mahal ko sa buhay. 

Isa sa mga eksenang iniyakan ko? `Yong pinukpok `yong isda, naghingalo at namatay.
Monday, February 11, 2013

Magulo Akong Kausap


Ako: May off po ba dun? (Di maalala ang tamang term)

Ateng Guard: Off?

Ako: May off po ba `pag sa warehouse bumili?

Ateng Guard: Ah, meron. May discount.

Ako: (Sorry naman. 15% off kasi naiisip ko)

-------


Pearl

Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.

Si Pearl's bookshelf: read

My Life Next Door
The Nightmare Affair
Divergent
The Perks of Being a Wallflower
Delirium
Insurgent
Pretty Little Liars
Catching Fire
The Ghost and the Goth
You're The One That I Don't Want
Shopaholic and Sister
Pandemonium
The Fault in Our Stars
Anna and the French Kiss
Breathe
While It Lasts
The Lightning Thief
The Sea of Monsters
The Last Olympian
The Titan's Curse


Si Pearl's favorite books »
Powered by Blogger.