Ano'ng pangarap mo? Wala? K.
Marami? K.
Alam mo kasi, maiksi lang ang buhay. Kaya naman . . .
Umibig ka.
Lumaban ka.
At `pag may pangarap ka,
Ayos lang magwala.
Ayos lang malungkot.
Pero huwag sumuko.
H'wag kang magpatalo.
Kumilos ka ulit.
Magtiwala ka sa sarili mo kung walang ibang nagtitiwala sa'yo.
Haters?
H'wag silang pansinin.
Maging cool ka lang.
Gawin mo lahat ng makakaya mo.
Tandaang walang imposible sa taong may tamang diskarte.
Iwasang maging nega.
Dahil anumang hirap ng laban, kung may sipag at tiyaga ka, ikaw ang magwawagi sa huli.
Hala kilos na!