Mga tauhan:
Yashel - Maputi, medyo chubby pero sexy ( pambawi, baka mabasa niya `to eh hihi) maganda, malakas ang sex appeal sa mga lalaki, maraming kuwento, maraming ex.
Gladys - Skinny, tago ang kagandahan at ayaw i-share sa madla ( kapag nabasa mo `to Bai, libre mo `ko :p ) Madalas walang reaction, laging kalmado, maraming talent.
Ako - Sakto lang.
Blessie - Kamukha ng mama at papa ni Yashel
Yashel the Bombshell: ( biglang nagtanong )Kung ang tagalog ng chair ay salumpuwit, ano naman ang tawag sa wheelchair?
Gladys the Artist:( nakikinig pero hindi mo malaman kung interesado sa topic o hindi )
ako, si Pearl si Pearl lagi na lang si Pearl: ano?
Yashel the Bombshell: Salumpo. Eh kung panty?
Gladys the Artist: *nag-iisip?
ako: *nag-iisip. (May naisip pero hindi masabi)
Both: ano?
Yashel the Bombshell: Salungguhit! Eh kung brief?
ako at si Gladys: *nag-iisip.( seryoso ako sa pag-iisip, ewan ko lang kay Gladys na palaging kalmado at madalas walang reaction. XD )
Biglang sumingit sa usapan si Blessie, kapatid ni Yashel.
Blessie: Salongganisa!
Yashel the Bombshell: Epal naman neto! *tukoy kay Blessie
-Nagtawanan lahat.
ako: *tumatawa rin. (di maka-get over sa naging topic kani-kanina) Ah, yun pala `yon. Isasagot ko sana kanina, "salongTALONG." ( Naisip rin kanina na ang tagalog ng panty ay "salongTAHONG" )
HAHAHA.Mga kalokohan talaga.