Thursday, October 25, 2012

ALE, NASA LANGIT NA BA AKO?


Matagal nang nangyari ang insidenteng ito, ang insidenteng babago sa takbo ng mundo. Echos.

Galing akong PHR warehouse dahil kumuha ako ng compli. Bago umuwi, dumaan muna ako sa Jollibee sa loob ng Ever Gotesco Commonwealth para um-order ng lalaki pagkain, malamang. 

Nakaupo lang ako habang naghihintay dahil kinuha na ni ateng crew ang order ko at pinabayaran na nung pumipila pa lang ako. Sabi maupo daw muna ako at maghintay dahil cute daw ako.

While waiting, may aleng lumapit at nagtanong kung may nakaupo ba sa kaharap kong chair. Sabi ko, wala po. Kung puwede daw bang umupo. Sabi ko, puwede po. Pag-upo ng ale, napansin niya yung plastic bag kong may lamang maraming PHR pocketbooks.

Ale, nasa langit na ba ako: (ilonggo accent) Sa National Bookstore mo rin binili `yan?
Ako: Hindi po. Sa warehouse po mismo ng Precious Pages.
Ale: Mahilig din akong magbasa ng ganyan. Saan ba banda yung warehouse?
Ako: Sa may araneta avenue po.
Ale: Magkano `pag dun bumili?
Ako:Hindi ko po alam. (Eh sa hindi ko talaga alam. Haha. Tamad mag-isip)

Ale: Ahh..
Ako: (Biglang naisipang mag-promote) Nagsusulat din po ako ng ganito. (tinutukoy ang pb)
Ale: (No reaction)
Ako: (Ngumisi) Bumili po kayo.
Ale: (Matagal bago sumagot) Ah, nagbebenta ka ng ganyan?
 Ako: (Gustong matunaw)  Hindi po.




Awkward!

Buti na lang dumating na si ateng crew dala ang pang-take out na order ko. After nun, lumayas na ako.


HAHAHA! Hinding-hindi ko na sasabihin sa isang stranger na writer-writer'an ako. Ang poor ng social skills ko, kasing-poor ko.
Tuesday, October 9, 2012

Okay Lang.


Found these drawings at the back of my mind. Di, sa facebook album ni Daga talaga. Stalk nyo siya: blognibai.blogspot.com . Hehe. Based on a true story ito.









Hmm... Okay lang.
Thursday, October 4, 2012

Walang Title Pero Meron


May kuwento ako.


No'ng grade five ako, crush na crush ko `yong kapitbahay naming idol si Vhong Navarro. Ang hitsura niya? Uhm, ano, payat.

At dahil nga crush ko siya, nagsulat ako ng love letter para sa kanya. Siyempre, hindi ko binigay. Bitbit ang isang blade, naghanap ako ng puno ng saging malapit sa bahay. Nung may nakita akong target, ginawan ko yun ng binta-bintana. Na-experience nyo bang umukit ng kunwari miniature door or window sa puno ng saging? Hindi? Okay.

Uso yung gano'n sa mga kabataan at isip-bata do'n sa amin eh, nung nakatira pa lang ako kina lola sa probinsiya. After nun, tinupi ko yung love letter, ipinagkasya sa loob ng puno ng saging tapos isinara.

Sa isip ko, “D'yan mag-si-stay ang love letter na iyan, forever.”

Kasi nga sa mga movies `di ba umuukit sila ng hearts, et cetera, sa puno ng mangga tapos paglaki nila makikita pa nila yon. Eh di naisip kong baka paglaki ko mababasa ko rin yong sinulat ko. Tapos ma-didiscover nung crush ko, tapos...


Habang papasok sa school isang umaga, nakita ko na lang na pinuputol na ng kapitbahay namin yung puno ng saging na naging target ko. Saka ko lang napansing may bunga pala iyon at gulang na ang saba.

At ang love letter ko? Hindi ko na pinagkaabalahang pansinin. Male-late na rin kasi ako sa school.
Malamang din burado na `yon dahil nabasa na `yon ng dagta ng saging. 

Boba much.


Pearl

Pearl
About Me? Basta ang alam ko babae ako.

Si Pearl's bookshelf: read

My Life Next Door
The Nightmare Affair
Divergent
The Perks of Being a Wallflower
Delirium
Insurgent
Pretty Little Liars
Catching Fire
The Ghost and the Goth
You're The One That I Don't Want
Shopaholic and Sister
Pandemonium
The Fault in Our Stars
Anna and the French Kiss
Breathe
While It Lasts
The Lightning Thief
The Sea of Monsters
The Last Olympian
The Titan's Curse


Si Pearl's favorite books »
Powered by Blogger.