May
kuwento ako.
No'ng grade five ako, crush na crush ko `yong kapitbahay
naming idol si Vhong Navarro. Ang hitsura niya? Uhm, ano, payat.
At
dahil nga crush ko siya, nagsulat ako ng love letter para sa kanya.
Siyempre, hindi ko binigay. Bitbit ang isang blade, naghanap ako ng
puno ng saging malapit sa bahay. Nung may nakita akong target,
ginawan ko yun ng binta-bintana. Na-experience nyo bang umukit ng
kunwari miniature door or window sa puno ng saging? Hindi? Okay.
Uso
yung gano'n sa mga kabataan at isip-bata do'n sa amin eh, nung nakatira pa lang ako
kina lola sa probinsiya. After nun, tinupi ko yung love letter,
ipinagkasya sa loob ng puno ng saging tapos isinara.
Sa isip ko, “D'yan mag-si-stay ang love letter na iyan, forever.”
Kasi
nga sa mga movies `di ba umuukit sila ng hearts, et cetera, sa puno
ng mangga tapos paglaki nila makikita pa nila yon. Eh di naisip kong
baka paglaki ko mababasa ko rin yong sinulat ko. Tapos ma-didiscover
nung crush ko, tapos...
Habang
papasok sa school isang umaga, nakita ko na lang na pinuputol na ng
kapitbahay namin yung puno ng saging na naging target ko. Saka ko
lang napansing may bunga pala iyon at gulang na ang saba.
At
ang love letter ko? Hindi ko na pinagkaabalahang pansinin. Male-late
na rin kasi ako sa school.
Malamang
din burado na `yon dahil nabasa na `yon ng dagta ng saging.
Boba
much.