Galing akong PHR warehouse dahil kumuha ako ng compli. Bago umuwi, dumaan muna ako sa Jollibee sa loob ng Ever Gotesco Commonwealth para um-order ng
Nakaupo lang ako habang naghihintay dahil kinuha na ni ateng crew ang order ko at pinabayaran na nung pumipila pa lang ako. Sabi maupo daw muna ako
While waiting, may aleng lumapit at nagtanong kung may nakaupo ba sa kaharap kong chair. Sabi ko, wala po. Kung puwede daw bang umupo. Sabi ko, puwede po. Pag-upo ng ale, napansin niya yung plastic bag kong may lamang maraming PHR pocketbooks.
Ale, nasa langit na ba ako: (ilonggo accent) Sa National Bookstore mo rin binili `yan?
Ako: Hindi po. Sa warehouse po mismo ng Precious Pages.
Ale: Mahilig din akong magbasa ng ganyan. Saan ba banda yung warehouse?
Ako: Sa may araneta avenue po.
Ale: Magkano `pag dun bumili?
Ako:Hindi ko po alam. (Eh sa hindi ko talaga alam. Haha. Tamad mag-isip)
Ale: Ahh..
Ako: (Biglang naisipang mag-promote) Nagsusulat din po ako ng ganito. (tinutukoy ang pb)
Ale: (No reaction)
Ako: (Ngumisi) Bumili po kayo.
Ale: (Matagal bago sumagot) Ah, nagbebenta ka ng ganyan?
Ako: (Gustong matunaw) Hindi po.
Awkward!
Buti na lang dumating na si ateng crew dala ang pang-take out na order ko. After nun, lumayas na ako.
HAHAHA! Hinding-hindi ko na sasabihin sa isang stranger na writer-writer'an ako. Ang poor ng social skills ko, kasing-poor ko.